22 Abril 2025 - 14:32
Ipinatawag ng Israel ang Jerusalem Affairs Minister at inutusan siyang i-deport mula sa West Bank sa loob ng anim na buwan

Iniulat ng Palestinong media noong Lunes, na ipinatawag ng Israeli intelligence si Jerusalem Affairs Minister Ashraf al-Awar para sa imbestigasyon at binigyan siya ng desisyon na nagbabawal sa kanya sa West Bank sa loob ng anim na buwan.

Ayon sa ulat na iniulat ng Ahensyang Pandaigdigang Balita ng Ahl Al-Bayt (sumakanila nawa ang kapayapaan) -: Balitang ABNA :- Ang Palestinong media ay nag-ulat para sa deportation order na natanggap ni Al-Awar ay isinumite ng commander ng Central Command ng Israeli army, sa mga singil ng pakikisali sa mga aktibidad sa ngalan ng Palestinian National Authority.

Sa kanyang bahagi, kinumpirma ng abogado ni Ministro Khaldoun Najm, na ipinatawag ng mga awtoridad ng Israel si al-Awar at ipinaalam sa kanya ang desisyon na i-deport siya mula sa West Bank at pigilan siyang tuparin ang kanyang mga tungkulin bilang isang ministro sa gobyerno ng Palestino sa loob ng anim na buwan.

Sa isang kaugnay na pag-unlad, ang Wall and Settlement Resistance Commission ay nag-anunsyo kanina na pinigilan ng mga awtoridad ng Israel ang Punong Ministro ng Palestino, na si Mohammad Mustafa para magsagawa ng field visit sa mga nayon, sa Ramallah at sa Nablus noong Sabado.

Pinalaki ng mga awtoridad ng Israel ang kanilang patakaran sa pagpapaalis sa mga mamamahayag, aktibista, at sa mga taga-Jerusalem mula sa Al-Aqsa Mosque at sa lungsod ng Jerusalem nitong mga nakaraang buwan. Naglabas din sila ng mga utos ng deportasyon laban sa mga bilanggo na pinalaya bilang bahagi ng exchange deal sa Hamas.

Nasasaksihan ng West Bank ang isang makabuluhang pagtaas sa mga paglabag sa Israel, habang ang mga awtoridad ng Israel ay patuloy na nagpapataw ng matinding paghihigpit sa paggalaw ng mga mamamayang Palestino, bilang bahagi ng isang sistematikong patakaran na naglalayong sakalin ang populasyon at guluhin ang kanilang pang-araw-araw na buhay.

Ang pagtaas na ito ay dumating sa konteksto ng patuloy na mga paglabag ng mga Israel, kabilang ang patuloy na pagsasara ng kalsada at pagtawid, pagsalakay sa mga lungsod at nayon ng Palestino, at ang pagpapataw ng mga checkpoint ng mgas military sa bawat mga kalsada atlansangan na nakakagambala sa paggalaw at humahadlang sa pag-access ng mga mamamayantg Palestino sa trabaho, edukasyon, at sa pangangalagang pangkalusugan.

……………..

328

Your Comment

You are replying to: .
captcha